Tuesday, June 9, 2009

till the last drop kabanata dos


Kabanata Dos
Isang araw ng sabado, walang pasok sa school sila alex and janny.kaya maagang naligo si alex para makapamasyal sa mall and makapamili ng mga bagong gamit pang kaartehan.
Habang nag kakabit ng kolorete sa katawan si alex. patingin tingin siya sa salamin, nang mapadako ang mata nya sa tummy nya at braso.. at bigla siyang napatili. biglang nagising si janny sa masarap niyang tulog.."bakit alex?huh... anung nangyare?" ang naaalimpungatan niyang wika habang palinga linga sa kabuoan ng kwarto."ay.. heheh.. anu kasi.. ahm yung tummy ko and yung braso ko.. lumalaki na.. nagkakaron na ng fats eh.." ang nahihiyang wika ni alex habang pakamot kamot sa leeg.."animales ka talagang babae ka.. grrr... nakakasira ka ng tulog.. edi mag gym ka.. sus problema ba yun? lahat nalang kasi hindi mo magawan ng paraan." ang mahabang litanya ni janny habang bumabalik sa naunsyaming tulog. bumubulong na nagtuloy sa pag aayos si alex.." may point ka nga janny.. bat nga kaya di ako mag gym?" ang narelief na wika ni alex.."hmmm.. whatever.. sige layas na.. tutulog pako.. istorbo ka.." ang anas ni janny habang si alex naman ay papunta na sa pintuan upang buksan at umalis." eto na po.."
habang pauwi galing sa mall si alex. nakita niya ang isang karatula na malapit lang sa dorm nila.. at natuwa siya sa nakasulat." body fit gym"
pumasok siya sa tabi ng may naka post na karatula. at nakita niya ang mga babae at lalaking nagbubuhat ng weights, yung iba naman ay nag aaerobics, pumunta siya sa may cashier at nag inquire at nag enroll narin at the same time.."bukas mag ggym nako.. baka lalo pang lumaki ung fats sa katawan ko pag pinalipas ko pa, and ow my, daming gwapo.. nakakaluwa ng panty.." ang nagpapantasyang anas sa isip ni alex habang tinutungo ang daan papunta sa dorm nila.
after ng class ay dumeretso agad sa gym si alex, dun na narin siya nagpalit ng damit pang gym, sumali muna siya sa mga nag aaero, at talaga namang nag enjoy siya ng husto, hindi na nya namalayan na may isang taong pangisi ngisi habang pinagmamasdan siya. matagal tagal ding nakamasid sa kanya ang lalake saka umalis ito sa kinapwepwestuhan. nang biglang mapalingin si alex sa pinanggagalingan ng kakaibang pakiramdam.. nang tignan nya ang paligid, wala namang kakaiba, pero kanina habang nag aaero siya ay parang may naka masid sa kanya.. nag kibit balikat nalang siya at tinuloy niya na ang naunsyaming aero.
Habang si davine naman ay napapangisi parin habang nag bubuhat ng barbels.nakikinikinita niya ang babaeng kanina lang ay pinagma,asdan nya, hindi siya maaaring magkamali, ito ang babaeng nakabungguan nya sa corridor sa school habang nagmamadali siyang pumunta sa loocker niya upang kunin ang nakalimutang project. " anu kaya ang sasabihin ng malditang yun pag nakita niya ako? kung makilala niya ako, sigurado namang kinalimutan na nito ang pangyayaring yun." ang tuloy tuloy na tanong at sagot sa sariling anas nito sa isip.
Natapos na rin ang aero na sinalihan ni alex, kinuha na nya ang bag nya na nasa isang gilid upang umuwi na dahil sobrang napagod ang katawan nya sa unang araw ng pag ggym nya.. nang bigla siiyang mapatingin sa isang panig kung saan may mga nag bubuhat ng barbels. at bigla siyang napakunot noo nang makita ang isang particular na pagmumukha ng isang lalaki. buglang nagpanting ang kanyang mukha. namula sa galit ang mukha niya at wala walang sabi ay sinugod niya ang lalaki at walang kaabog abog na patuyang ininsulto ito" aba! magaling.. nandito rin pala ang isang hambog!. bastos! at walang manners na alaking ito" ang paumpisa ni alex. " ahm excuse me bastos. natatandaan mo pa ba ako? yung binastos mo? huh?" ang nang gagalaiting saad ni alex habang nakapameywang itong nakatingin sa lalaki. naaamazed na napatingin si davine natutuwa pa ito sa inasal ng babae dahil narerecognized papala siya nito. pero hindi nya ito pinahalata." excuse me? are you talking to me?" ang tanong nito kay alex na hindi nagpapahalata ng kahit anung katuwaan kundi'y pagtataka." hala. hidi mo na pala natatandaan ang mga gigagawa mong kasalanan? well anyway.. sige wag nalang.. dahil ayaw ko din namang makipag usap sa mga pangit na katulad mo" ang pasigaw na wika ni alex habang taas noong iniwan ang lalaking napatanga. at tuloy tuloy itong lumabas ng gym. nagpupuyos ang kalooban niya sa sobrang inis sa lalaki..
Samantalang si davine ay bumalik na sa normal ang nagulat na pag katao. sa tanang buhay niya hindi pa siya sinabihan na pangit at pinahiya sa ibang tao dahil komo gwapo at mayaman at tunay namang may maipagmamayabang sa sarili kaya walang sinu sino ang nanlalait sa kanya ay umaapi. tumungo siya na kunwari ay may inaayos sa athlete short na suot nya. medyo napahiya siya sa inasal ng babae dahil halos napatingin sa kanila lahat ng tao doon, pero cinompose niya ang sarili at tinignan ang sarili sa salamin sabay ngiti na animoy walang nangyari..
(abangan ang pag tutuos nila alex at davin sa susunod na kabanata ng Till the last drop..)

Friday, May 29, 2009

till the last drop

KABANATA UNO







"Alex gumising ka na nga jan. mahuhuli nanaman teo sa class ni sir sagum" ang saad ni janny habang nagmamadaling sinusuot ang school uniform nito... "hmmmmm.... teka lang, 5 mins nlang, naaantok pako eh" ang nakapikit na wika ni alexandra. "hoy alex! alam mo ba kung ilang beses mo na nang sinabi yan? my gush naman. madadrop na teo sa subject ni sir sagum dahil parate tayong late. kung ayaw mong bumangon jan,bahala ka, iiwanan nalang kita,"ang naiinis na anas ni janny habang tuloy parin sa pag aayos sa sarili.
alex and janny are best friend since highschool, kaya hanggang pumasok sila sa college ay magkasama parin sila simula sa pinapasukang school up to sa dorm na nirerent nila.. sabi nga nila through thick and thin close buddies parin sila.

"teka!! gigising na.. naman kasi eh.. bat naman kasi eto pa ang napili nateng sched. meron namang afternoon sched...ayan tuloy kailangan ko pang gumising araw araw ng maaga para lang pumasok." ang naiinis na wika ni alex habang papunta sa banyo upang maligo. " pwede ba alex malapit ng matapos ang 1st sem kaya pag tyagaan mo nang gumising ng ganitong oras. and mind you young lady nag aagree ka naman sa sched na to kaya wag kang magmaktol jan na as if ako lang nag decide mag isa. ok?" ang napapailing nalang na wika ni janny habang nagkakabit naman ng manipis na make up.

"anu ba yan late na late na talaga tayo alex. " habol habol ang paghingang wika ni janny habang tuloy parin sa pagtakbong tinungo ang classroom nila para sa 1st subject sa araw na yun." oo nga eh, kaya pwede ba maglakad nalang tayo? kasi nalalaspag na ang make up ko oh.. look? ow my gush.. kelangan ko munang mag retouch.. cr muna tayo?" ang nagiinarteng saad ni alex habang tuloy lang sa pagtingin sa salamin niya ."manahimik ka jan! late na tayo pabayaan mo na yang make up mo kahit malaspag pa yan ng kuntodo todo." ang naiinis na bulyaw niya kay alex. "at pwede ba itago mo muna yang salamin mong yan. baka madapa ka pa at masugatan lang yang fes mo." dugtong pang saad nito. at parang nagdilang anghel nga si janny dahil sa pagliko nila sa isang pasilyo ay may nagmamadaling lalaki rin, at nakabungguan ni alex dahil tuloy parin sa pagtingin sa salamin ang isa. kaya hayun naumpog ang noo ni alex sa malapad na dibdib ng gwapong nilalang. dahil komo maliit ng di hamak si alex sa lalake at parang ang naumpugan niya ay parang bato sa tigas, ay nawalan ito ng panimbang at paupong bumagsak sa sahig.tila nawala ang poise at arte sa katawan ni alex. tumayo siyang bigla at tinabig ang kamay na inaalok ng gwapong nilalang at sabay bulyaw ng. " hoy ikaw! hindi mo ba nakikita yung dinaraanan mo?ang..." "miss ikaw ang dapat kong tanungin nyan. hindi mo ba nakikita dinaraanan mo?" ang putol sa sasabihin pa sana ni alex. " sabagay pano mo naman makikita eh nakatingin ka pala sa salamin" at tinignan nito ang hawak na salamin ni alex." naiinis na dinuro ni alex ang lalake." hoy ikaw. wag kang mangbibintang ng kung ano-ano huh! nakita mo bang nagsasalamin ako? huh? " sigaw nito habang inaayos ang nagusot na palda. napangisi nalang ang lalaki na parang alam talaga nito na bistado siya.. tuloy tuloy sa paglakad ang lalaki na parang walang nangyari. iniwan nito si alex na tuloy parin sa pag aayos sa palda. nang tumingin siya sa harapan nya, wala na ang lalaki at tumalikod siya at hayun nakita niyang lumalakad ng palayo ang lalaki." hoy ikaw! doi pa tayo tapos! bumalik ka dito1 bastos! hindi ka man lang marunong mag sorry!" ang naiinis na sigaw ni alex habang ang lalaki ay tuloy tuloy lang at saka tinaas ang kamay at winagayway na animo'y parang sinasabing " i dont care"..
"grrr!! akala ng lalaking to huh.. makarma ka sana" ang naiinis na wika ni alex habang kinukuha ang bag na nalaglag din. hinanap niya sa gilid harap at likod nya si janny.. hayun si janny nasa may gilid ng corridor. " janny anu ka ba naman bat di mo ako pinag tanggol? nakakainis ka naman eh, nakita mo nang parang walang paki ung lalaking yun." ang naghihinampong saad ni alex kay janny. "hay nako ayaw kong makigulo jan dahil kasalanan mo naman bat ka nahulog noh.. and kasi ang gwapo ng guy na yun.. alangan namang awayin ko rin.. kawawa naman siya." ang kinikilig na wika ni janny habang tinitignan nito ang pasilyong dinaanan ng lalaki." ah ganun? mas pabor ka sa mokong na yun kesa saken? o ed mag sama kayo.. makaalis na nga baka lalo akong mahuli." ang naiinis na sabi ni alex... " uy teka.. nagtampo ka naman agad.. huy!!! ano ba.. saglit..." ang humahabol na wika ni janny...










(kabanata dos... ang paghaharap ni alex at ng gwapong nilalang)










2nd part...

Hayz.. after that incident nag iba na ang feelings ko towards him...
nakakaloka mang isipin pero hindi na inis ang nararamdaman ko sa kanya kundi ibang klaseng attraction... ang its my first time to feel these kind of something in my young heart.... nakalipas ang mga months... talagang iba na talaga.. wala ng hatred napalitan na ng pagmamahal... tama... PAGMAMAHAL..... at a very young age.. natuto na akong magmahal sa taong dati ko namang kinaiinisan.. kung tutusin nga ay kinasusuklaman pa... pero masaya ako sa nararamdaman ko.... pero ako lang ang tanging nakakaalam ng feelings ko para sa kanya... kahit best friend ko hindi alam na may nararamdaman nako kay mokong... dahil nahihiya ako na baka pagtawanan ako o kaya naman ay tuksuhin kay mokong.... hanggang matapos ang grade 4 life ko wala paring nakakakaalam.....nung tumuntong nako sa grade 5 hindi ko na siya naging kaklase... nakakalungkot.... namimiss ko siya..... hayz... grabe talaga.. hindi kompleto ang araw ko pag di ko siya nakikita...pero hindi pala sa laht ng panahon is matatago mo ang sekreto mo.... mabubunyag at mabubunyag sa iba at kahit sa taong pilit mong pinaglilihiman ng nararamdaman... dahil sa sobra kong tiwala sa isa kong kaibigan ay napagtiwalaan ko siyang ibahagi ang lihim ko... (susyal... may ganung effect? lolz...) at nang dahil sa "kaibigan na yon" nalaman ni mokong ang secret feelings ko para sa kanya... may goodness di ko alam gagawin ko.. gusto ko ng lamunin ng lupa that time... masakit.. mahapdi...nakakaloka... nakakamatay.... iba pala ang pakiramdam... masakit ang mga binitawan niyang mga salita... anu pa ba magagawa ko kundi ang umiyak.... umiyak ng umiyak..... after ng grade 5.. hindi na kami nagkita pa.... pero kahit ganun.. siya parin ang taong gusto ko... wala ng iba... wala akong hinangad kundi kahit sa daan man lang ay magkita kame....







3rd yr highschool......


same old routine... gala doon... gala dito kasama mga tropa ko... may mga bagong classmates... may luma rin... may mga iba akong tropa na nalipat sa ibang section....

pero hindi ko expected na may magbabago sa high skul life ko...
one time kasi pumunta ako sa classrum ng mga tropa ko para makichizmax... while waiting sa paglabas nila sa classroom.. tumambay tambay muna ako sa tapat ng room nila... maybe after few minutes isa isa na silang naglalabasan... then may isang group ng mga lalake na lumabas 3 guys at yung isa sa kanila ang pinakatitigan ko... may goodness he's hunk.. tangkad grabe... parang tore ang height... ang parang kakaiba ang pintig ng akig heart.. anu ba yun.... kahit lumabas na mga tropa ko eh wala parin akong patid sa magmamasid sa kanya... tinanong ko pa nga mga tropa ko kung anu pangalan ng taong kapreng yun... ang sabe nila.. hindi nila matandaan dahil hindi naman sila interested sa guy na yun..hay naku.. pinakiusapan ko pa mga tropa ko na alamin name ng guy na yun... nahalata talagang intereresado ako sa guy na yun.. and finally nalaman din nila name ng guy.. john daw ang name... ako naman.. napatango tango nalang.... after few weeks sulami ako ng cocc.. and on the way sa training ground nakasalubong ko si john.. hayun nanaman... napapatitig nanaman ako sa kanya.. napaisip talaga ako na parang iba.. parang kilala ko ang taong to... tinitigan ko siya ng maigi... OW MY GOD!!!!! SIYA NGA...SIYA SI MOKONG.. ANG MINAHAL KO SINCE GRADE 4 PAKO....nakakaloka talaga... bat hindi ko agad naisip na 1st name pala ng mokong nayun ang john... sa dinami dami naman ng school sa pilipinas dun talaga siya pumasok... hayz... matutuwa ba ako o matatakot?
kung alin man sa dalawa hindi ko na alam.... basta ang alam ko magugulo nanaman ang tahimik ko na sanang puso.... or should i say.. pinatatahimik ko ng puso.... pero ganun pa man..masaya ako dahil makikita ko nanaman siya...
pero para makasigurado na siya nga si mokong... tinanong ko sa mga tropa ko na kaklase nya ang surname nya.. and im definitely right... siya nga si mokong......

months passed by... isa nakong ganap na cocc... at si mokong... ganun parin.. steady lang...
foundation week namen.. i didnt expected na kasama pala si mokong sa pageant sa school... mas lalo pa tuloy naging malayo ang gap namen.. lalo na nung siya ang nanalo ng mr. uahs...

parang naging langit siya at ako sa lupa lang....haysz... wala na talaga akong chance na magkalapit kame.. lalo na nung tumuntong kame sa 4th year... dahil komo officer na ako... may sarili na kame head quarters.. may kanya kanyang flight na hinahawakan... at mga kasamang officer na makakahalubilo.... may time na ang officer na humahawak kay mokong ay wala.so minsan napapadpad siya sa flight ko.. my gulay..pag nasa flight ko na siya.. hindi nako makapag command ng maayos.. may time na nabubulol ako or kailangan kong huminga ng malalim dahil parang bumibigat ang pakiramdam ko... lalo palang bibigat ang pakiramdam ko sa bagong magaganap sa buhay ko....


one time nakita ko si mokong na nasa harap ng door ng head quarters namen... eh medyo malayo lng ng konti ang table ko sa door.. pero nasa hilera ng door... parang may hinihintay siya... di ako makatingin sa kanya... pabaling baling ang mga mata ko... sakto may mga kasama akong officers na kaibigan ko.... sila nalang ang pinag tuonan ko ng pansin at ang mga pumapasok na cocc sa hq namen...at hayun dahil siguro sa inip ni mokong nagtanong na siya sa isa sa mga officer na lalabas ng hq... at sa pagkabigla ko... ang hinahanap niya. ang isa sa mga babaeng co-officer ko.. at kaibigan din...kaya pala tinanong ng mga ka batch ko kung anu mararamdaman ko kung manligaw si mokong ng isa sa mga ka officer namen... kaya pala....


simula nung lumipat ako ng school.. naging vocal nako sa mga nararamdaman ko... never nako naglihim.. lalo na sa laman ng puso ko... alam na ng mga malalapit sakin ang pinag daanan ng tanga kong puso...


heto pala ang sinasabe nila... anu nga ba ang nararamdaman ko??
hayun nanaman yung nakabaon ng sakit... bumubukal nanaman...
parang sumasabog utak at puso ko... nakakabaliw... pero kaylangang magpanggap na parang wala lang sakin... iiyak ba ko ulit para sa taong to... para ano? para ipakitang talunan nanaman ako? mahina?
no way!!! kahit sa mga kakilala ko.. magpapanggap akong okay lang... tapos na ang katangahan ko... pero sa sarili ko alam kong para akong tinatarak ng punyal... pero sasarilinin ko nalang.. kese kaawaan pako ng iba.. at baka ako lng ang maging mitsa ng pabagong sibol ng love life...



aaminin ko... ang tanga tanga ko.. hindi ko kayang ipaglaban nararamdaman ko... puros iyak.. tungga... laslas.. ang kaya ko lang gawin para mailabas ang mga hatred na nasa puso ko.. ang tanga kong puso.. anu magagawa ko... takot akong masaktan ng ibang tao... but im not an emo naman.. nag sisi nako sa mga ginawa ko sa sarili ko.. pero proud ako kahit maituturing na nbsb ako.. atleast hindi ako gumamit ng tao para makalimutan ang isang tao na nagturo sakin na maging palaban..


salamat sayo john rodyl...
salamat kasi ikaw ang minahal ko......
salamat sayo dahil tinuruan mo akong maging matatag kahit hindi mo batid dahil hindi mo naman pansin...

pero salamat talaga dahil alam ko kahit once pinahalagahan mo ako....



alay ko sayo to.... maghihintay parin ako sa pag dating mo....

Sunday, May 24, 2009

my sad love story

its been 11 years....hayz... mahal ko parin ang mokong na yun... 10 years old palang ako noon pero natuto nang tumibok ang tanga kong puso... kakaloka talaga..... totoo pala yung saying na the more you hate is the more you love...i remember nung grade 3 ako... una ko siyang nakita nung film showing sa school.. take note jose rizal movie pa ang panonoorin namen.. sa coridor palang inaasar nako ng mokong na yun... eh haler naman,,, ni hindi ko nga siya kilala... sabe ko naman sa self ko.. aba ang maitim na higanteng to ang kapal ng mukha.. yabang to the max.... take note huh... sinumbong ko pa sa mga tropa ko na mga classmate ko.... nag iinarte ako dahil naman puros lalake ang mga tol tol batoltol ko.... feel na feel ko na prinsesa nila ako... aba ang mga loko... sinabi ba namang "pabayaan mo na yan.. pag inaasar ka ulit dun nalang namen aawayin... " aba.... gusto muna nilang magkaron ng THE REPEAT bago ako ipagtanggol....kakaloka....... anyway... buti hindi ko siya classmate dahil baka umiyak ako ng dugo araw araw sa sobrang inis at galit na nararamdaman ko sa kanya...... dumating bakasyon at pasukan nanaman.. yes!! grade 4 na ako... infairness bago nagtapos ang grade 3 life ko eh nasa top ako... susyal ang lola mo.....


first day of class of my 4th grade year... excited ako to the max dahil makakasama ko nanaman ang mga tropa ko... pag pasok ko sa classroom.. hindi panaman ako umuupo sa isa sa mga vacant na chair sa likuran aba pinapalipat ako ng bago kong teacher sa section A... ahm.. kasi nung grade 3 ako section b ako.. eh dalawa lang naman section samen.. dahil kuno private school... my gulay... parang gumunaw ang mundo ko.... dahil sa lahat ng pinagdadasal ko na wag manyare ay hindi nagrant.... ang hindi ko makita at makasama sa isang classroom ang mokong na yun..... kakaloka naman.. parang tinadhana ng mundo na magkasama kame....parang gusto ko mag ngangawa sa teacher ko that time... parang nawalan ng buto ang mga paa ko.. ayaw kumilos ni isang hakbang... pero nung sinabi ng teacher ko na dalian ko na.. wala na.. nu pa ba magagawa ng powers ko kundi sumunod....

pagpasok ko sa classroom ng section A my god!!! siya una ko nakita.... nanlalata nako lord.. hindi ko alam pano makakaalis sa sitwasyon na kinahaharap ko....pag upong pag upo ko palang sa designated place ko.. inaasar nako agad.. aba ang mokong na yun di man lang muna ako winelcome bago apihin... grrr....!!!! buti nalang kahit papano panatag ako na may makakausap dahil kasama ko iba kong dating classmate na nalipat din dahil kasama sa top 5.. kasama na dun ang best pren kong si karen.. well... si karen kasi ang best friend ko sa mga babae....pero magkalayo kame ng chairs.. kinamalasmalasan ko pa.. 2 chairs behind me is place na ni mokong... ow no... anu ba to..... hindi ako halos makagalaw sa kinauupuan ko..
break period na.... hay salamat medyo makakahinga nako kahit papano... pero hindi pala... i was totally wrong... mas magiging meserable pala ang oras ko... dahil pag dating nya sa pwesto ko.. aba inasar asar nanaman ako bago umalis... grrr..... buti pa yung mga kaibigan nya.. mabait...hayz.....nginitian pako... bat siya ang sama sama ng ugali saken pero sa iba naman hindi naman siya ganun.. namumukod tangi lang talaga saken...kalerky talaga huh.....

lumipas din ang mga months....at natolerate ko na rin ang ugali nya.. pero parang nakakapanibago... halos hindi ko na namalayan na nag iba na turing nya saken.. hindi na nya ako inaasar,, niloloko,,,, teka.. anu kaya nakain ng mokong na yun.....


one time pray time na namen.. magstart na class namen for that day... eh kame ni karen.. walang tigil parin sa kakadrawing ng mga damit,sapatos alahas para sa dinrowing nameng doll... well actually hidi naman talaga ako marunong mag drawing... gaya gaya lang talaga ako... lolz.... ginagaya ko mga pinag gagawa nya.. binabago ko ng konti para d halata na copy cat talaga... hehehe... ok back to that incident... "ok class tayo na kayo..magpapray na tayo..." sabi ng teacher namen.. eh kame ni karen wala parin tigil kaka harutan,, pagtapos kasi namen sinet aside ung mga drawings namen, tumayo na kame at naghaharutan.. well... ako pa eh talande naman talaga ako... noon pa man... hahahah... ok... so sa sobrang harot namen.. sinampal nya ako sa pisngi.. eh hindi naman talaga sampal na matatawag yun.. tapik nga lang sa pisngi eh.. heheh pero akong si talande.. napaaray ao.. pero hnd naman malakas... tatawa tawa pa nga ako at si karen eh... wala kameng kamalay malay na may isang mokong palang nakikitingin samen.. eh magkatabi kame ni karen nun.. seatmate na kame kaya wala kameng kaalam alam na may papasok sa eksena....


nung magdadasal na kame.. nakita ko si mokong na dumaan sa harap ng class sa likod ng teacher namen... kinuha yung dos por dos.. ako naman.. nag tataka to the max.. anu naman kaya gagawin ng lalaking yun sa pamalo ng teacher namen... aba maya maya pagkakuha sa pamalo... lumapit samen ni karen at walang kaabog abog na pinalo ang bestfriend ko sa braso... my gudness DOD POR DOS YUN MAMEN...... syempre iyak too d floor level ang bessy ko.. ako naman nagtataka bat naman kaya pinalo nito si bessy...wala naman ginawa sa kanya yung bessy ko.... hindi ako makapag salita dahil sa sobrang gulat.. eh ang bessy q pagkapalo sa kanya iyak talaga agad.. syempre narinig ng teacher namen and nasaksihan din ng mga classmates namen... tinanong ng teacher ko yung mokong na yun kung bakit nya pinalo si karen eto sinabe..." kasi teacher sinampal niya si _ _ _ _ _ _ ... heheh ako yun ang tinutukoy niya...." edi si karen naman binalingan ng teacher namen... "oh karen sinampal mo daw si _ _ _ _ _ _ eh" sagot naman ng bessy ko " eh teacher naglalaro lang naman po kame eh..." at tuloy tuloy ang iyak ng bessy ko... AKO?? TAMA AKO..... ako ang dahilan kung bakit pinalo ni mokong ang bessy ko... kakaloka... nagulantang ako dun.. hindi ko tuloy alam kung maaawa ako sa bessy ko o matatawa dahil grabe yung reaction ni mokong.... nasabi tuloy ng teacher naman sa kanya.. " kaya mo siguro pinalo si karen dahil crush mo si _ _ _ _ _ _ noh?" aba ang mokong hnd man lang nag salita tuloy tuloy lang binalik yung pamalo at pumunta na sa pwesto nya... akong c loka nahihiya sa ginawa nyang pang iisnab.. hnd man lang nagprotest.. yan tuloy tinukso kame at nag hiyawan......

anung nangyari dun.. napatingin nalang ako sa bessy ko.......



part 2 ng story ko...... susunod na......